Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Makati Mayor Binay sinuspinde ng anim na buwan ng Ombudsman

$
0
0

Makati City Mayor JunJun Binay (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinatawan na ng preventive suspension sa loob ng anim na buwan sina Makati City Mayor Junjun Binay at ilang pang opisyal ng Makati kaugnay ng isinasagawang preliminary investigation sa maanomalyang konstruksyon ng Makati City Hall Building II.

Inireklamo sina Binay ng malversation, falsification, paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act at sa Government Procurement Reform Act.

Kabilang din sa mga inireklamo si Vice President Jejomar Binay dahil sa termino nito sinimulan ang proyekto noong Mayor pa siya ng Makati.

Ngunit hindi ito isinama sa suspension order dahil walang administrative jurisdiction ang Ombudsman sa bise presidente.

Hinihingan na rin ng Ombudsman ng counter-affidavits ang mga akusado para sagutin ang mga reklamo laban sa kanila.

Ayon sa nakalap na ebidensya ng special panel of investigators, nagsabwatan umano ang mga akusado upang hindi magsagawa ng public bidding sa proyekto at pinaboran ang kumpanyang MANA Architecture & Interior Design upang gawin ang disenyo ng gusali.

P11,974,900 ang kabuuang halagang naibayad sa MANA kahit hindi pa buo ang serbisyo ng kumpanya sa proyekto.

Hindi rin umano nagbigay ng detalyadong engineering plan ang MANA na dapat sana ay magiging basehan kung magkano ang halaga ng kontrata.

Napag-alaman din na may mga pinekeng dokumento para paboran din ang Hilmarcs Corporation para sa pagtatayo ng gusali.

Bukod sa criminal charges, nahaharap din si Makati Mayor Junjun Binay at ilang opisyal ng Makati sa administrative charges dahil sa grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of service. (Joyce Balancio / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481