Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Posibilidad ng onion crisis, itinanggi ng Department of Agriculture

$
0
0

FILE PHOTO: Sibuyas / Onion (UNTV News)

MANILA, Philippines – Walang napipintong krisis ng sibuyas sa Central Luzon.

Ito ang pahayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala matapos mapabalita na isang kartel ng sibuyas ang umiiral ngayon sa bansa na maaari umanong magdulot ng krisis sa sibuyas.

Sinabi ni Alcala na mababa ang presyo ng sibuyas dahil marami ang suplay nito at hindi rin dahil sa pag-o-overstock ng mga imported at smuggled na sibuyas.

Wala din daw syang nakikitang mali sa mataas na suplay ng sibuyas. Ibig sabihin daw kasi nito ay maraming nagtatanim ng nasabing commodity dahil sa maganda ang kita dito.

Matatandaang naglabas ng pahayag si Senador JV Ejercito kamakailan na may umiiral na kartel ng sibuyas sa bansa.

Ayon daw ito kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So.

Sinabi umano ni So na ang kartel ng sibuyas na umiiral sa bansa sa pamamagitan ng pag-o-overstock ng mga imported at smuggled onions.

Dahil dito, bumabagsak ang presyo ng lokal na ani ng sibuyas. (Darlene Basingan / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481