Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Panibagong airstrike kontra BIFF, inilunsad ng AFP

$
0
0

FILE IMAGE: Isang helicopter ng AFP na nagpapatrolya (UNTV News)

MANILA, Philippines – Muling naglunsad ngayong Huwebes ng panibagong airstrike o aerial bombardment ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

Bukod dito ay nagkaroon din ng artillery fire sa Barangay Tee, Datu Piang, Maguindanao kung saan nakita ng mga militar ang isang grupo sa pangunguna ni Kumander Karialan na kilala bilang chief of staff ng BIFF na kilalang malapit sa kanilang lider na si Kumander Ameril Umbra Kato.

Sa ngayon, ayon sa militar, si Kumander Karialan ang isa sa nagsisilbing taga-panguna sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters dahil sa napabalitang nagkakasakit at mahina na umano si Umbra Kato.

Naniniwala ang militar na malaking kawalan sa grupo ng BIFF kapag magawang mapatay o mahuli si Kumander Karialan dahil na rin sa naging impluwensiya nito sa grupo.

“Of course it has a big help doon sa operation natin but very risky kasi itong mga BIFF may kakayahan na tirahin ang mga air assets natin. For one we’d already an experience yung last week na natamaan ang isang co-pilot,” pahayag ni Capt. Jo Ann Petinglay, 6th Infantry Division (6ID) public affairs officer.

Dagdag pa ng militar na hindi pa rin nakaalis sa Salibo-Pagatin-Mamasapano at Shariff Aguak o SPMS box ang teroristang si Basit Usman.

“He is there, base doon sa what we have na na-find out sa mga baril na nakuha during sa encounter sa Mamasapano. Obviously, yung isa dun sa baril na nakuha ay nandun din sa video kung na saan si Usman and it only proves na yung mga napatay ay close-in ni Usman,” saad pa ni Capt. Petinglay.

Samantala, mula nang ilunsad ng militar ang all-out offensive operation kontra BIFF ay umabot na sa mahigit 90 ang bilang ng BIFF members ang napatay kabilang dito ang apat na kilalang malapit kay Basit Usman, habang anim naman sa panig ng militar at 31 ang nasugatan. (Dante Amento / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481