MANILA, Philippines – Binigyang katwiran ng Office of the Ombudsman ang suspension order kay Makati City Mayor Jejomar Erwin ‘Jun Jun’ Binay at 20 iba pa kaugnay ng umano’y maanomalyang konstruksyon ng Makati City Hall II parking building.
Ayon kay Deputy Ombudsman Asryman Rafanan, July 2014 pa inihain ang reklamo laban kina Binay kaya nagkaroon ito ng sapat na panahon upang sagutin ang mga alegasyon.
Iginiit din ni Rafanan na may basehan at hindi minadali ang suspension order sa mga ito.
“I can’t think of undue haste in the span of 8 months,” saad nito.
Sinabi pa ni Rafanan na kung walang ilalabas na temporary restraining order ang Court of Appeals ay agad na ipatutupad ng DILG ang kautusan.
“It is in the power of DILG to implement,” saad pa nito. (UNTV News)