MANILA, Philippines – Habang papalapit na ng papalapit ang kauna-unahan at pinakamalaking konsyerto ng UNTV katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa SAF 44, painit na ng painit ang excitement na nadarama ng mga performers nito.
Sa unang ensayo pa lamang ng PNP at AFP na kasama ang ilang piling OPM artist sa bansa, dama na ang excitement ng mga ito sa kanilang gagawing production number sa “Songs for Heroes” sa March 19 sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.
“We are all excited with this big event because through music through this concert, pwede naming ipakita ang magandang mensahe ng pagkakaisa,” pahayag ni Police Sr. Supt. Ma. Asuncion Placino, Deputy Director ng PNP-PCRG.
“Ang inyo pong Armed Forces of the Philippines ay proud and honored na kumanta kasama yung mga very popular na artist. Hindi lang po yun, kaisa ang Armed Forces sa pinakatema po ng adbokasiya na ito which true and lasting peace for the Philippines,” pahayag naman ni Capt. Edgar Posadas, miyembro ng AFP Chorale.
“Aside from the fact that we’ll be singing at par with the professionals, we’ll be doing this for the Gallant 44. Because this is with a purpose and with a goal and with a reason, very excited po ang kapulisan at PNP Chorale to be part of this,” saad naman ni Leo Peter Gonzales, Musical Director ng PNP Chorale.
Maging ang mga mang-aawit na sina Mcoy Fundales at Jek Manuel ay excited na rin sa konsiyerto.
Ayon kay Mcoy, “Sa pamamagitan ng singing I can treasure the memories of the Fallen 44 at tulungan yung mga naiwanan nilang mahal sa buhay.”
“Malaking bagay ito sa akin, ang partisipasyon ko sa pagpapakita ng simpatya at pakikiramay sa kanila,” saad naman ni Jek Manuel, isa rin sa mga guest performer.
Ang Songs for Heroes ay isasagawa sa March 19, Huwebes, sa SM Mall of Asia Arena.
(Adjes Carreon / UNTV News)