Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

NIA, nakahanda na sa posibleng maging epekto ng El Niño

$
0
0

MANILA, Philippines – Bahagya lamang ang nakikitang posibleng maging epekto ng El Niño phenomenon sa agrikultura sa bansa.

Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), ini-adjust na nila ang timing ng pagtatanim o cropping calendar at pattern.

“Kung minsan kung pwede na kaming magstart ng late May, nagstart na kami para pagdating ng February or March konti na lang yung kailangan namin sa tubig,” pahayag ni Pilipina Bermudez, dept. manager ng NIA Public Affairs & Information.

Bukod pa dito ang pamamahagi ng mga shallow tube wells na kayang magpatubig ng 4-5 ektarya ng palayan.

“Ito’y binibigay namin doon sa mga areas na nandoon sa dulo ng aming mga irrigation systems na mahirap abutin ng tubig,” ani Bermudez.

Iniiwasan naman ng ahensya ang cloud seeding dahil malaki ang gastos sa proseso.  Ayon kay Bermudez, “Isang lipad lang ng eroplano eh isang milyon, so as much as possible ina-avoid namin yan na magka-cloud seeding extreme na lang yun pag nag-cloud seeding kami.”

Ngayong tag-araw ay mahigit sa 15-libong ektarya ng sakahan ang hindi kasama sa mapapatubigan ng NIA dahil sa mababang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam.

Ngunit ang ibang magsasaka ay nagbabaka sakali pa rin na makapagtanim kahit na hindi sila kasama sa patubig.

“Yung iba talaga nagpupumilit kasi kung baga bread and butter nila yung pananim nila eh. Sinasabi nila eto lang yung pinagkukunan namin so makikipagsapalaran kami,” pahayag pa ni Bermudez.

Sa datos ng NIA, nasa 3.1M ektarya ng sakahan ang dapat na mapatubigan sa bansa, subalit nasa 1.7M ektarya pa lamang ang may maayos na irigasyon.  Ito ang accomplishment ng ahensya sa loob ng 52 taon ng pagkakatatag nito.

Nakadepende sa pondong ibibigay sa ahensya ang dami ng mga ektaryang kanilang mapapatubigan kada taon.

Noong nakaraang taon ay nasa 12-libong ektarya naman ang mga bagong sakahan na napatubigan.

Ayon sa NIA, sa panahon naman ng administrasyon Aquino ay mas malaking pondo ang kanilang natatanggap.

(Rey Pelayo / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481