MANILA, Philippines – Maaring magpatupad ngayong linggo ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng oil industry players, mula P1.20 hanggang P1.40 ang posibleng bawas sa presyo ng kada litro ng gasoline.
P0.95 sentimos hanggang P1.10 ang ibaba sa presyo ng diesel at P0.80 hanggang P0.95 naman sa kada litro ng kerosene.
Sa pagpasok ng Martes ay malalaman na eksaktong presyo ng mga produkto ng langis. (UNTV News)