Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Motorcycle rider, sugatan matapos bumangga sa isang truck sa Maynila

$
0
0

Ang pagtulong ng MMDA Rescue Unit sa isang motoristang naaksidente sa Maynila. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Mabilis na isinugod sa ospital ang isang lalaking naka-motorsiklo matapos bumangga sa isang truck sa may bahagi ng Lacson-Mabini Flyover, pasado alas-12 ng madaling araw nitong Lunes.

Kinilala ang motorcycle rider na si Nestor Evangelista, 40 anyos at nakatira sa Signal Village, Taguig City.

Ayon sa driver ng truck na si Jhon Isnari, papaahon na sila sa flyover nang mapansin nitong nakasunod ang motorsiklo sa kanilang likuran.

“Sa likod siya eh, tumututok sa pwetan, yun na nga nangyari, yung resulta,” pahayag ni Isnari.

Dagdag nito, habang mabagal na binabagtas ang flyover ay may narinig umano silang kalabog kaya’t inutusan umano niya ang kasamang pahinante na bumaba sa pag-aakalang nahulog lang ang karga nilang buhangin.

Sinabihan rin umano sila ng dumaang motorista na may bumangga sa kanilang likuran. Nang usisain, nakita nila ang nakabulagta at duguang motorcycle rider.

Nagtamo ng sugat sa noo at mga kamay si Evangelista na agad namang nabigyan ng paunang lunas at isinugod sa pagamutan ng rumespondeng MMDA Emergency Group.

Hindi rin ito makausap at nakuha lamang ang kanyang pangalan mula sa dala nitong lisensya.

Sa ngayon ay patuloy nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente. (Reynante Ponte / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481