Pormal na inilunsad sa Sierra Leone ang “Zero Ebola” campaign kaalinsabay ng pahayag na muling magpapatupad ng lock down ang bansa.
Ayon kay President Ernest Bai Koroma, ipatutupad ang lock down sa Marso 27 hanggang 29, mula alas-6:00 ng umaga hanggang gabi at sa Abril 4, 11 at 18.
Buwan ng Agosto noong nakaraang taon nang unang magpatupad ng lock down sa bansa.
Kamakailan lamang ay boluntaryong sumailalim sa quarantine si Sierra Leone Vice President Samuel Sam-Sumana matapos pumanaw ang isa sa mga bodyguards nito dahil sa Ebola virus.
Sa ngayon ay nasa sampung libo na ang naiulat na nasawi sa Ebola virus partikular sa Guinea, Liberia, Nigeria at Sierra Leone na pawang nasa West Africa. (UNTV News)