Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Comm. Biazon, dapat bigyan ng ultimatum — Sen. Ejercito

$
0
0
FILE PHOTO: Bureau of Customs Commissioner Rufino "Ruffy" Biazon (UNTV News)

FILE PHOTO: Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Senador JV Ejercito na dapat ay bigyan ng takdang panahon si Commissioner Ruffy Biazon na linisin sa katiwalian ang Bureau of Customs (BOC).

Kabilang aniya sa dapat na gawin ni Biazon ay ang rehabilitasyon at re-organization sa Bureau of Customs.

Para sa senador, malaking hamon ito sa kasalukuyang pamunuan ng BOC.

“Siguro, if he can see improvements in the next six months up to the end of the year at least headway lang, hindi naman kailangan na talagang drastic improvement.”

Sinabi rin ni Ejercito na mas mainam na pakialaman na ni Pangulong Aquino ang kawanihan at pagbitiwin na rin ang lahat ng opisyal nito bilang delikadesa.

“If I were the president, I would ask courtesy resignation of everybody, all the top official of the bureau for me to re-organize the bureau.”

Dagdag pa ni Ejercito, kung hindi makakaya ni Commissioner Biazon ang paglilinis sa ahensiya sa takdang panahon, maiging kusang loob na siyang magbitiw sa tungkulin.

“Siguro maganda niyan in 6 months time walang improvement, dapat mag-voluntary resignation na si commissioner,” dagdag pa ng senador.(Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481