Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kuya Daniel Razon at programang Bread and Butter, pinarangalan sa 33rd Dangal ng Bayan

$
0
0
Mr. Public Service Kuya Daniel Razon and Bread N' Butter (UNTV News)

Mr. Public Service Kuya Daniel Razon and Bread N’ Butter (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling tumanggap ng pagkilala ang tinaguriang Mr. Public Service na si Kuya Daniel Razon sa ika-33 Dangal ng Bayan sa plenary hall ng PICC sa Pasay City, Martes ng gabi.

Tinanggap ng Programs and Production Head ng UNTV ang parangal kay Kuya Daniel bilang outstanding journalist at public servant dahil sa kanyang mga adbokasiya at mga naging kontribusyon sa industriya.

“Una nagpapasalamat po tayo sa Dios sa ipinagkaloob ng Dangal ng Bayan award kay Kuya Daniel bilang outstanding journalist at public servant, lalong-lalo kinilala nila yung advocacy project niya na “Tulong Muna, Bago Balita” at itong kalulunsad lamang na “Tulong Muna, Bago Pasada”.

Kinilala rin bilang outstanding family-inspired television program ang Bread and Butter dahil sa pagiging family-friendly at educational ng naturang programa.

Samantala, binigyan din ng espesyal na parangal si Ginoong German Moreno sa mga naging kontribusyon nito sa entertainment industry.

“I’m still doing my very best. Tumutulong pa rin tayo sa mga pangarap ng kabataan na kung ano yung gusto nilang marating and for me it’s like a mission na binigay sa atin ng Panginoon kung ano yung sinimulan ko pinagpapatuloy ko,” pahayag ni Kuya Germs.

Maging ang educational at anti-bullying film na “Potpot” ni Louella De Cordova kasama ang Sparkling Stars Production ay kinilala rin dahil sa patuloy na paggawa ng mga makubuluhang pelikula.

“Dahil nakita nila yung Potpot na highly recommended naman talaga, anti-bullying po sya, and then nabalitaan po nila, tapos na po yung “Boy Scout”, ang objective nito ay to bring back the old glory of boys scout of the Philippines,” ani Johnny Mateo, ang producer ng Potpot.

Ayon naman sa Indie film producer na si Shubert Dela Cruz, “naniniwala kasi ako na mas magtatagal kami sa industriya kung ganitong mga tema ng pelikula, yung wholesome ang gagawin namin at nagpapasalamat kamin sa pagkakataong mabigyan ng award”

Naging panauhing pandangal naman ng gabing iyon ang dating unang ginang na si Imelda Marcos. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481