Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Anak ni Napoles, nagpiyansa sa kasong tax evasion

$
0
0

FILE IMAGE: Si Jeanne Napoles, anak ni Janet Lim Napoles (Screenshot from Jeanne Napoles birthday video)

MANILA, Philippines – Nagpiyansa na nitong Lunes sa Court of Tax Appeals ang anak ni Janet Lim Napoles na Jeanne Napoles kaugnay sa kinakaharap nitong tax evasion case ayon sa abogado nitong si Atty. Stephen David.

Ito ay upang hindi maaresto sakaling maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.

P50,000 ang piyansa ni Napoles sa 1st Division para sa isang count of tax evasion.

Sinubukan din ni Napoles na maglagak ng piyansa sa 3rd Division na siyang humahawak ng isa pang count ng tax evasion ngunit hindi pa ito tinatanggap ng korte.

Ito ay sa dahilang may nakabinbin pang motion for judicial determination of probable cause ang kampo ni Napoles sa dalawang dibisyon at ipinasya ng 3rd Division na desisyunan muna ito.

September 2014 nang aprubahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban sa batang Napoles matapos na makalikom ng sapat na ebidensya ang Bureau of Internal Revenu (BIR) sa hindi nito pagbabayad ng tamang buwis na nagkakahalaga ng P17.88 million.

Kabilang aniya dito ay real properties tulad ng isang residential condominium sa California at ang dalawang farm sa Pangasinan.

Hinamon naman ng abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David ang DOJ na ilabas ang naging basehan nito sa tax evasion case na isinampa laban kay Jean Napoles.

Anila, wala namang income si Jeanne at ipinamana lamang ang mga ari-arian at yaman na nasa kanyang pangalan.

“Imposible namang magkaroon ng income si Jeanne kasi unang-una, nag-aaral pa siya sa US. Wala naman working visa doon. 23 years old lang siya. papaano mo nasabing nagtrabaho siya kumita para makapagpundar ng ganito kalaking properties,” pahayag pa ni David.

Dagdag pa nila, nagaapply ng U.S. citizenship si Jeanne kaya’t sapat lamang na magpakita ito ng ari-arian at bank accounts na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Naging kontroberysal si Jeanne Napoles matapos kumalat sa social media ang isang video nagpapakita ng marangyang pamumunay nito sa Amerika.

Samantala, ipinagpatuloy ng 3rd Division ng Sandiganbayan ang bail hearing ni dating APEC Partylist Rep. Edgar Valdez sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.

Humarap bilang testigo si Atty. Raymond Joel Balbuena, ang field investigator mula sa Office of the Ombudsman na siyang nagsagawa ng imbestigasyon sa umano’y partisipasyon ni Valdez sa scam.

Ipinaliwanag nito na pitong saro lamang mula 2007 hanggang 2009 na nagkakahalaga ng 82.6 million pesos ang naisama lang nila sa imbestigasyon.

Kinumpiram din nito ang unang pahayag ng kampo ng dating kongresista na naaayon sa General Appropriations Act (GAA) ang mga proyektong inendorso ni Valdez.

Sa Abril 7 muling haharap si Atty. Balbuena sa korte upang ipagpatuloy ang cross examination ng depensa sa kanya. (Joyce Balancio / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481