Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNP, itinangging ginawang human shield ng ilang SAF commandos ang mga napatay na kasamahan

$
0
0

FILE PHOTO: PNP PIO chief P/CSupt. Generoso Cerbo Jr (UNTV News)

MANILA, Philippines – Imposibleng mangyari na gawing human shield ng SAF troopers ang kanilang mga kasamahan na napatay sa Mamasapano operations.

Ito ang reaksyon ng PNP sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng MILF na ginawa umanong human shield ng SAF troopers ang mga naunang namatay na kasamahan kaya maraming tama ng bala ang ilan sa mga ito.

Ayon kay PNP PIO chief P/CSupt. Generoso Cerbo Jr., walang nakalagay sa BOI report na ginawang human shield ang mga ito base na rin sa tama ng bala ng baril na nakita sa katawan ng SAF commandos.

Sa halip, tama sa ulo na indikasyon na binaril nang malapitan ang lumabas sa pagsusuri ng medico legal ng Camp Crame.

“Kung ating babalikan ang autopsy report, yung findings ng Crime Laboratory sinasabi doOn na marami doOn ang maraming tama, meron na pinatay nang malapitan pero walang sinasabi dito na ginamit sila bilang human shield,” ani Cerbo.

Sinabi pa nito na sa doktrina ng pakikipagsagupa ng mga pulis, hindi itinuturo na gawing pananggalang ang kasamahan upang makaligtas.

Sa halip ay tinuturuan ang mga itong igalang ang isa’t isa at magtulungan para sa kaligtasan ng bawat isa.

“Sa doktrina naman sa pakikipagdigma wala akong na-engkwentro na ganyang strategy o taktika na pwede mong gamitin ang inyong kasama bilang human shield,” saad ni Cerbo.

Idinagdag ni Cerbo na isang patunay dyan na hindi nagawang iwanan ng mga survivor ang mga kasamahang napatay sa battlefield.

“Ang doctrination at orientation ay kung paano kayo magtutulungan bilang mag-buddy at kung paano mo sya aasistihan pero never na ininculcate sa isip namin na gamitin mo sya bilang panangga,” giit pa ni Cerbo.

Sa kabila nito, sinabi ng tagapagsalita ng PNP na iginagalang nila ang findings ng MILF. (Lea Ylagan / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481