MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si Senador Bongbong Marcos na humihiling na kanselahin ang nakatakdang Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.
Layunin ng panukala na bigyang-daan ang reporma sa SK na umano’y nagiging breeding ground ng korapsyon.
Kung maaprubahan ang panukala, isasagawa ang SK elections sa huling Lunes ng October-2016 o anumang petsa na itatakda ng batas.
Mananatili naman sa pwesto ang mga SK officer na nahalal noong 2010, maliban na lamang kung sila ay masususpinde o matatanggal sa puwesto, hanggang sa maihalal ang kanilang magiging kapalit.
Sa panig naman ng Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na inatasan na ni Pangulong Aquino ang Department of Interior and Local Government (DILG) na pag-aralan ang panukalang pag-abolish sa SK. (Bryan de Paz / Ruth Navales, UNTV News)