MANILA, Philippines — Dumating ang mga police at military officials na inimbitahan sa house hearing ngayong araw ng Martes.
Dumalo rin sina DILG Sec. Mar Roxas, Defense Sec. Voltaire Gazmin at mga government peace negotiator.
Gayunman, wala ni isang dumating mula sa panig ng MILF na labis na ikinadismaya ng komite.
Naki-usap naman ang chairman ng Committee on Public Order and Safety sa mga kapwa niya mambabatas na gawin itong maayos ang pagdinig.
Pahayag ni Rep. Jeffrey Ferrer, “Your Chair, I personally appeals for your cooperation in order to change the negative impression of this institution as created in the minds of the public.
Ngunit bago pa nagsimula ang pagtatanong sa mga resource person, dalawang oras na pinagtalunan ng mga kongresista ang planong pag-imbita kay Pres. Aquino.
Ani Rep. Neri Colmenares, Bayan Muna party-list, “I move that the committee decide to send this questions to the President.”
Salaysay naman ni Rep. Rufus Rodriguez, “Kasi po ang Presidente mag-isa po yan eh kaya while in office, he cannot be suit. Maski husgado po hindi pwedeng padalhan siya ng subpoena, hindi nga pwedeng kahit idemanda eh… kung mananagot po ang Pangulo sa bawat reklamo ng isang mamamayan hindi na sya makakpagtrabaho.”
Upang matapos ang isyu, nagpasya ang komiite na pagbotohan ang mosyon na isinampa ni Colmenares upang pasagutin na lang sa pamamagitan ng sulat ang Pangulo.
Sa botohan 3, ang pumabor sa mosyon habang 14 ang tumutol dahilan upang i reject ng kumite ang mosyon.
Samantala, muli namang iginiit ni resigned PNP chief Alan Purisima na hindi siya naki-alam sa operasyon na ikinasawi ng 44 miyembro ng PNP-SAF.
“Hindi po ako inatasan ng Pangulo na mamahala sa Mamasapno operation. Ako po ay nagre-relay lamang ng mga information during that day,” ani Purisima.
Sa pagtatanong naman ng mga kongresista pagdinig, sumang-ayon si relieved PNP-SAF Dir. Getulio Napeñas sa massacre ang nangyari sa kanyang mga kasamahan gaya ng lumabas sa imbestigasyon ng Senado.
Ani Napeñas, “Massacre po yun dahil binaril ng malapitan at buhay pa at pinatay pa.”Kulang 10 pamilya ang pinayagan ng kumite na makapasok dito sa loob ng conference room.
Subalit hindi sila pinayagang magsalita o magbigay ng kanilang sa loobin kundi upang mag-observe lamang sa pagdinig. (GRACE CASIN / UNTV News)