Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

“Furious 7” humakot ng $384 million sa international box office

$
0
0

Ang isa sa mga bida ng Fast and the Furious 7 na si Vin Diesel sa premiere ng pelikula sa Hollywood, California noong April 1, 2015. REUTERS/MARIO ANZUONI

Humakot na ng 384 million dollars ang action movie film na “Furious 7” sa international box office sa pagbubukas ng pelikula nitong weekend.

Aabot sa kalahati ng naturang halaga ay nakuha ng pelikula sa us box office.

Nakuha ng Furious 7 ang fourth highest opening of all time.

Naungusan nito ang mga pelikulang Harry Potter, Pirates of the Caribbean at The Avengers.

Inaasahang tataas pa ang ticket sales ng pelikula sa pagbubukas nito sa Russia at China sa April 9 at 12.

Ang Universal Picture movie na ito ay pinagbibidahan nina Vin Diesel, Dwayne “The Rock” Johnson at ng yumaong actor na si Paul Walker.

Si Walker ay nasawi sa isang car accident habang papunta sa isang charity event para sa mga biktima ng Super typhoon Yolanda sa Los Angeles, USA noong November 13 2013. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481