Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pre-qualification conference sa P50.2-B prison facilities project ng DOJ, isinagawa

$
0
0

Bahagi ng kabuuang plano para itatayong P50.2-B prison facilities project ng DOJ. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sinimulan na ngayong linggo ang pagsasagawa ng pre-bid conferences sa mga indibidwal at kumpanyang interesadong mag-invest sa public-private partnership o PPP projects ng administrasyong Aquino.

Ngayong araw ng Miyerkules, isinagawa ang pre-qualification conference sa 50.2-billion peso regional prison facilities project ng Department of Justice at Bureau of Corrections.

May kabuuang lawak na limang daang ektarya ang lupang pagtatayuan ng kauna-unahang state of the art prison facility sa bansa sa Fort Magsaysay Military Reserve, General Tinio, Nueva Ecija.

Maa-accommodate ng pasilidad ang dalawampu’t siyam na libo, walung daan at walumpung inmates ng New Bilibid Prisons at Correctional Institution for Women.

Itatayo at iooperate ang proyekto sa ilalim ng build-transfer-maintain program ng PPP.

Ayon kay Atty. Rosario Elena Laborte-Cuevas, dalawa na ang prospective bidders para sa naturang proyekto.

Nakapagbayad na ng 1,500,000-peso participation fee at purchase ng instructions to prospective bidders o ITBP ang megawide construction corporation at San Miguel Holdings Corporation.

Ani Atty. Rosario Elena Laborte-Cuevas, “Yesterday afternoon, DMCI submitted their letter of intent and manifested their intention to submit their documents this morning. But until now, we still haven’t received their participation… other foreign companies have entered into a consortium with local companies.”

Mayroong hanggang May 06 ang iba pang interesadong bidders at investors na isumite ang kanilang pre-qualification documents.

Susundan ito ng submission ng actual bids sa Agosto, at issuance of notice of award at contract signing sa Setyembre.

Target ng pamahalaan na masimulan ang konstruksyon ng prison facility sa Marso ng susunod na taon at matapos ito sa Marso ng taong 2019.

Ang nasabing proyekto ay isa lamang sa labindalawang PPP projects na ini-roll out ng administrasyong Aquino.

Mula 2010, siyam nang PPP project ang ini-award ng pamahalaan, na may total indicative cost na 136 billion pesos. (BIANCA DAVA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481