Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglaban sa kriminalidad pinalakas pa ng Philippine National Police sa mapapamagitan ng “Modus Stoperandi”

$
0
0

Ang paglulunsad ng PNP ng “Modus Stoperandi” (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinalakas pa ng Philippine National Police ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad.

Ito’y sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isang advertising agency at isang telecommunications company.

Ayon kay Directorate for Police Community Relations P/Dir. Danilo Constantino, malaking bagay ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensya para sa paglaban sa krimen.

“Ito naman, ‘Modus Stoperandi’ kung paano natin pipigilan ang mga modus operandi at meron silang inidentify na five proactive anti-crime strategies,” ani Constantino.

1. #SAFIE

Ito ay kinabibilangan ng paggamit ng hashtag na #SAFIE. Ang mga pasahero ay hinihikayat na makipag-selfie sa driver ng sinasakyang taxi at i-upload sa mga social networking site o ipadala sa mga kamag-anak.

2. What’s the password?

Hinikayat din ang bawat pamilya na turuan ang kanilang anak ng isang paraan kontra kidnapping. Maaring bigyan ng password ng mga magulang ang kanilang mga anak para sa mga taong nais silang isama o magsasabing ipinasusundo sila. Tatanungin ng anak ang password at kung hindi masagot ng tama ay hindi dapat sumama ang bata.

3. (I’m CCTV)

Maging ang pagkuha ng litrato o video sa mga pangyayari sa paligid na maaaring makatulong sa imbestigasyon ng PNP.

4. (Skim the Difference)

Hinikayat din ang publiko na kuhanan ng litrato ang ATM machine tuwing nagwi- withdraw upang malaman kung may pagbabago na indikasyon na maaring tampered ito.

5. (Identitext)

At ang identitext, o ang pagtitext sa nakatalagang hotline ng PNP upang malaman kung lehitimo ang pulis na humuhuli o sumisita sa isang motorista.

Sinabi pa ni Constantino na gumagamit na rin ng mga gadget ang mga kriminal kaya’t kailangan nilang makipagsabayan sa mga ito.

“We also use yung mga modern technologies ngayon para naman maipaabot sa ating mga kababayan kung ano ba yung dapat nilang gawin para mahinto itong modus operandi ng mga criminal elements.”

Handa namang makipagtulungan ang Bumper taxi sa programa ng PNP para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Anang presidente nito na si Mr. Fermin Oktubre, “Kami po ay sumusuporta sa adhikain na ito at amin pong i-require ang aming mga kasamahan na members na tumalima proyekto na ito.”

Ayon sa PNP, kung lahat ng tao na may telepono sa bansa ay makikipagtulungan o magsisilbing CCTV sa pamamagitan ng pagkuha ng video o litrato sa mga pangyayari sa kanilang paligid, tiyak na malulutas at mapipigilan ang mga krimen sa bawat kalye sa bansa. (LEA YLAGAN / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481