Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pag-aaral sa pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko sa Metro Manila, iprinisenta sa LTFRB

$
0
0

FILE PHOTO: Aerial view — EDSA Ortigas area (Ryan Mendoza / Photoville International)

MANILA, Philippines — Isang pag-aaral ang iprinisenta ng University of the Philippines – National Center for Transportation and Studies sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, Miyerkules.

Tinawag itong “A study on Freight Forwarding Operations in Metro Manila” na naglalayong maisaayos ang daloy sa mga lungsod.

Isinagawa ang naturang pag-aaral kasunod ng lumalalang traffic congestion sa Metro Manila bunsod ng kakulangan sa mga malinaw na regulasyon at polisiya.

Kabilang sa pangunahing bahagi ng pag-aaral ang 1. Policy review, 2. Pagsagawa ng survey sa mga industry player, 3. Pagkuha ng kasalukuyang vehicle at cargo data, 4. Traffic forecasting o freight modeling, 5. Stakeholder analysis, at 6. Policy evaluation.

Ayon sa transport systems analyst na si Dr. Noriel Christopher Tiglao, ang layunin ng naturang pag-aaral ay ang maipatupad ang konsepto ng route measured capacity o kahalintulad na mekanismo para sa maayos na pagbi-byahe ng mga produkto sa Metro Manila.

Ang route measured capacity o RMC ang pinakamainam na bilang ng pampublikong transportasyon na maaaring italaga sa isang ruta.

Ani Tiglao, “Yung RMC ginagamit yan sa pagre-review at pag-a-approve ng franchise for public transport… tini-test natin ang concept na iyan for freight, for trucks. Balansehin ang kapakanan ng consignee, freight services, tayo. Yung concern natin at on the part ng financial viability ng truck o freight ops.”

Narito ang mga ispesipikong rekomendasyon ng UP-NCTS sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa Metro Manila:

1. Pagkakaroon ng sistema ng mga ruta ng sasakyan na kokonekta sa mga daungan at mga lalawigan at mga lugar pangkalakalan
2. Relokasyon ng mga laying-over trucks habang hinihintay ang normal na operasyon
3. Pagtatatag ng truck terminal at internal container yards
4. Pagbibigay konsiderasyon sa pagpapabuti ng mga network na makakabenepisyo sa mga truck operator
5. Pagbuo ng road pricing schemes

Gayunpaman, aminado ang UP-NCTS na kailangan pang magsagawa ng mas komprehensibong pag-aaral hinggil naman sa trucking operations at parameters.

Malugod namang tinanggap ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang pag-aaral na makatutulong aniya sa proseso ng pagbibigay ng ahensya ng mga prangkisa sa mga transport operator.

Pahayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez, “Dito sa freight, this is a welcome study, so that we will be armed with a tool in determining kung ilan dapat ang i-grant namin na franchises.”

(BIANCA DAVA / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481