Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagsusumite ng resignation ni PNP-OIC Gen. Leonardo Espina, kinumpirma ni Pres. Aquino

$
0
0

FILE PHOTO: (Left to Right) Sina OIC- PNP Chief Gen. Leonardo Espina, DILG Sec. Mar Roxas at Pangulong Benigno Aquino III sa Assumption of Command Ceremony ng Philippine National Police-Special Action Force sa Camp Bagong Diwa noong Marso 04. (Photo by Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Pres. Aquino ang mga lumabas na ulat hinggil sa resignation ni Philippine National Police-OIC Deputy Director General Leonardo Espina.

Ngunit ayon sa pangulo, hindi pa niya inaaksyunan ang resignation hanggang hindi pa siya nakakapili ng hahalili rito.

“He did submit his resignation and ‘yung acceptance is pending on selecting his replacement. As of this time, ‘yung we are conducting various interviews and checks on the various candidates. I will beg everybody’s patience on this matter.”

Hindi na rin kasama si Espina sa mga pinagpipilian sa itatalagang bagong PNP-Chief dahil nakatakda na itong magretiro sa darating na Hulyo.

Ani Pangulong Aquino, “(If) he assumes today, he has to about three months to serve. Kapag nag-three months to serve siya, may turnover na naman to the next guy who replaces him, and that’s disruptive to the service.”

Iginagalang naman ng mga kasama ni Gen. Espina ang desisyon nitong magbitiw sa pwesto.

Pahayag ng tapagsalita ni P/CSupt. Generoso Cerbo, “Even si Gen. Espina ay hindi naman nya itinatanggi noon pa na willing syang mag-give way para sa susunod na chief PNP at willing syang magparaya so that the president will have a free hand sa pagpili po ng susunod na CPNP. so kung may ganitong kaganapan ay hindi na po ito nakakagulat.”

Si Espina ang kasalukuyang oic ng Philippine National Police, matapos mag-resign si PNP Chief Director General Allan Purisima dahil sa pagkakasangkot nito sa Mamasapano encounter noong Pebrero. (Joshua Antonio / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481