CAMARINES SUR, Philippines — Labing apat na araw mula ngayon ay ipagdiriwang ng mga Bikolano partikular ng mga Nagueño ang Jesse M. Robredo Day.
Ito ang unang taong paggunita sa pagkawala ng isa sa mga kinokosiderang Bikolano pride na dating kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Jesse Robredo.
Matatandaan noong August 18, 2012 nang bumagsak ang sinasaksakyan ni Sec. Robredo na piper seneca plane sa pagitan ng Ticao Island at Masbate City na 200 kilometro ang layo sa pampang.
Ngayon pa lamang, nakakasa na ang mga programa na gagawin sa Jesse Robredo Day na pangungunahan ng kanyang naiwang asawa na si 3rd District Representative of Camarines Sur. Atty Leni Robredo kasama ang tatlo nitong mga anak
Anchor bago pa man dumating ang takdang araw plano ni Atty. Leni na umikot sa mga huling lugar na pinuntahan ng kanyang asawa bago nangyari ang trahedya.
Kabilang sa mga bibisitahin ng kongresista ang pamilya ng piloto ng eroplano na si Capt. Jesup Bahinting na kasama sa nasabing aksidente.
Pagkatapos sa Cebu City agad itong tutungo sa Masbate City kung saan nangyari ang plane crash. (ALLAN MANANSALA / UNTV News)