MANILA, Philippines — Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahang apasok sa bansa ngayong buwan ng Agosto.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang Agosto ang itinuturing na buwan ng pagpasok ng maraming bagyo sa Pilipinas.
Sinabi naman ng PAGASA na hindi lahat ng papasok na bagyo ay dadaan o tatama sa kalupaan.
Sakaling pumasok nga ang apat na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) papangalanan ang mga ito na Kiko, Labuyo, Maring at Nando.
Samantala, masusing mino-monitor ngayon ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) malapit sa Puerto Princesa City na posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras. (UNTV News)