Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Reclamation activities ng China sa Mischief Reef, may seryosong implikasyon sa national at global security ayon sa ilang senador

$
0
0

Satellite Image: China reclamation activity (REUTERS)

MANILA, Philippines — Nababahala ang ilang senador sa ginagawang reclamation activities ng China sa Mischief Reef na sinasabing sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, chairman ng Committee on National Defense and Security, may seryosong implikasyon ito sa national at global security.

Sinabi ni Trillanes na dapat i-asses ang foreign policy position ng bansa at national defense plans upang matiyak na handa tayo sa anumang gagawing hakbang.

Una ng naghain ng resolusyon si Trillanes sa Senado ukol dito.

Hinikayat naman ni Senador Chiz Escudero ang pamahalaan na i-convene ang National Security Council (NSC) ukol sa ginagawang ito ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Escudero sa ilalim ng Executive Order no. 115, ang NSC ay principal advisory body ng presidente at dapat na magpatawag ng security cluster meeting ukol dito.

Ngunit sagot ng Malakanyang sa pamamagitan ni USec. Abigail Valte, “Other security officials, the relevant, whoever is necessary in the discussion of the disputes in the West Philippine Sea, are always called to the security cluster meetings. In fact, they should all be there, because it’s the security cluster. But at this time, the president does not see any need really to convene the NSC.”

Pabor naman si Senador Loren Legarda, chaiperson ng Committee on Climate Change, na makipag-ugnayan sa international community upang protektahan ang coral reefs ng bansa.

Kahit ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nababahala na rin sa ginagawang reclamation ng China sa West Philippine Sea.

Pahayag ni DENR Sec. Ramon Paje, “Kapag ang pinag-uusapan ho ay impact sa ecology — napakalaki dahil sa ang sinisira mo dyan (ay) coral reef. And it will take you thousands and millions of years to restore coral reef. Iyan ang impact niyan, ecologically.”

Ayon naman sa DFA, patuloy na lulutasin ang isyu sa mapayapang paraan at ayon sa rule of law.

“Well, tayo noh, we continue to pursue. Ang initiatives natin ay yung legal track and diplomatic track. We continue to push for peaceful settlements of disputes. And for the rule of law to prevail so we create the norms dito sa region,” pahayag ni DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481