Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Rep. Sherwin Gatchalian, kinuwestyon ang timing sa kasong isinampa sa kanila ng Ombudsman

$
0
0

Valenzuela Representative Sherwin Gatchalian (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Palaisipan kay Valenzuela Representative Sherwin Gatchalian kung bakit nasama siya sa mga sinampahan ng kasong graft ng Ombudsman.

Nitong Biyernes, kinasuhan ng malversation at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, General Banking Law of 2000 at Manual of Regulation for Banks ang dating mga opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng Wellex Group, Inc., Forum Pacific, Inc. at Express Savings Bank, Inc. (ESBI), kaugnay ng maanomalyang pagbili sa ESBI noong 2009.

Pahayag ni Rep. Gatchalian, “Honestly, I don’t see the necessity of having a presscon by the Ombudsman considering na meron pa tayong motion for reconsideration (MR). Parang kumbaga, pinapakinggan pa yung MR, meron na agad na press conference.”

Ayon sa kongresista, anim na taon nang nakasampa ang kaso sa Ombudsman kaya naman ipinagtataka nito ang timing sa paglalabas ng resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman.

Aniya 0.0018% lamang ang kanyang share sa nasabing banko o nakakahalaga lamang ng 2,500-pesos.

“If your name is tarnished by a mere P2500, every one will feel bad… Kapag sinabi mo na Ombudsman case, akala na ng tao napakalaki o bilyun-bilyon na ang pinag-uusapan,” ani Gatchalian.

Base sa resulosyong, inilabas ng Ombudsman bago pa man ang acquisition, inaprubahan rin ni dating LWUA Head Prospero Pichay ang paglilipat ng 780-million peso LWUA funds sa ESBI upang madagdagan ang capital stock ng bangko.

Ayon sa Ombudsman, hindi bababa sa 800-million pesos ang nasayang sa pondo ng bayan dahil sa kwestyonableng transaksyon.

Handa naman ang kongresista na harapin ang kaso kasabay ng panawagan na sana ay mapabilis ang pag-usad nito.

“If ever this will push through, yes I am, clear ang conscience ko. Handa naman tayong humarap for P2500, handa ako.”

Samantala, ayaw namang sagutin ni Gatchalian ang isyu na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ay dahil sa pag-anib niya sa United Nationalist Alliance o UNA.

“I don’t know. Your question (Is this politically-motivated?) is as good as mine. Marami akong katanungan sa isip ko,” sagot ng kinatawan ng Valenzuela sa isang reporter. (Grace Casin / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481