
Ang sunog na naganap sa PhilAm, Quezon City nitong Martes ng hapon, April 21, 2015. (Rovic Balunsay / Photoville International)
QUEZON CITY, Philippines — Halos katatapos lamang na tumila ng malakas na ulan na dulot ng thunderstorm, nasunog ang isang 3-storey residential building sa Brgy. Philam nitong hapon ng Martes.
Nagsimula ang sunog alas 3:25 ng hapon sa bedroom sa 3rd floor ng bahay na pag-aari ni Richard Floro.
Agad namang idineklarang fire out alas-4:10 ng hapon dahil sa mabilis na pag-responde ng mahigit sampung bumbero kasama ang UNTV Fire Brigade.
Nadamay sa nasunog ang third floor ng katabing building.
Wala namang nasaktan sa nangyaring sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Pahayag ni BFP-QC Station 1 Commander Chief Insp. Arnold Ulanday, “Estimated damage ina-assess pa natin, inaalam pa ang dahilan ng sunog. Pero ipinapalagay natin na sa kuryente ang dahilan, dahil sa kisame sa 3rd floor ng kwarto nagsimula ang sunog.” (BERNARD DADIS / UNTV News)