Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañan, positibong matutuloy ang 2016 presidential election

$
0
0

FILE PHOTO: Presidential Spokesman Edwin Lacierda (UNTV News)

MANILA, Philippines — “As you know they are constitutionally mandated by our charter to ensure that elections as mention in the constitutions push through,” pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda.

Mandato ng Commission on Election na tiyakin na matutuloy ang eleksyon sa bansa sa 2016.

Ito ang binigyang diin ng Malakanyang matapos ang desisyunan ng Korte Suprema na “null and void” ang 268 million peso-refurbishment contract ng COMELEC sa Smartmatic.

Ipapaubaya naman ng Malakanyang sa COMELEC ang magiging aksyon kaugnay ng desisyon na ito ng Supreme Court, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, umaasa sila na susundin ng Comelec ang umiiral na election law.

“As to whether it is manual, we have an existing law on automated elections. So, we expect, COMELEC to comply with existing laws, as to how to handled 2016, again we are not in the position to say, being a independent constitutional commission, we are defer to them.”

Naniniwala naman ang ilang senador na may sapat pang panahon ang Comelec upang makapaghanda sa 2016 elections.

Para kay Sen. Francis Escudero, “Hindi tayo pwedeng bumalik sa manual election sa simpleng dahilan, nakasaad sa batas automated dapat ang ating halalan, so paglabag sa batas ang pagkakaroon ng isang manual elections… sa aking paniniwala kung ikukumpara mo sa ginawa ng COMELEC noong 2010, sapat ang panahon para makapag-automate pa tayo, makahabol pa tayo in time for the May 2016 elections.”

Pabor naman si Sen. Villar na gamitin ang panukalang transparent and credible election system ni dating Commissioner Gus Lagman.

Ayon naman kay Sen. Cynthia Villar, “Possible yung, we have done it before so wala naman reason why we cannot do it again… Ako, if I am to be ask mas mabuti ang manual counting then yung transmission na lang ang automated at least alam natin ang resulta ng counting.”

Kaugnay ng problemang kinakaharap ngayon ng Comelec, sinabi ni Secretary Lacierda na batid ni Pangulong Aquino ang pangangailangan na mag-appoint ng magiging chairman ng poll body.

At sa kasalukuyan ay may nakatalaga naman anyang acting chair na maaaring magdesisyon kung kinakailangan. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481