MANILA, Philippines — Itinanggi ni Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala ang mga alegasyong hindi nagamit ng DA ng maaayos ang bilyong-bilyong pisong pondo nito noong 2013.
Kaugnay ito ng report na lumabas sa isang pahayagan na sinabi ng Commission on Audit o COA nang hindi kumpletong naipatupad ng Department of Agrarian Reform o DAR ang dalawang major development projects na nagkakahalaga ng 14.4 billion pesos na nanggaling sa national budget, DAP at PDAF.
Ayon kay Alcala ang kinukuwestiyong DAP funds ay hindi lahat nagamit ng ahensya.
Nasa 2 billion pesos ang napunta sa DPWH para sa farm-to-market road project, habang nasa isang bilyon naman ang napunta sa Agrarian Production Credit Program na pinamamahalaan ng Land Bank of the Philippines at Mindanao Rural Development Project o MRDP.
P919-million naman ang ibinigay MRDP.
Sa report ng COA, hindi naging epektibo ang pagpapatupad ng DA ng mga PDAF projects nito dahil sa ginawang paglilipat ng pondo sa ilang attached agencies na hindi naayon sa polisiya ng gobyerno.
Sinabi naman ni Alcala na itiniggil na rin ng ahensya ang paglalabas ng pondo mula sa PDAF bago mag-2013.
Batay din sa report ng COA, naglabas ang DA ng 4.3 billion pesos loan sa ilalim ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund o ACEF para sa mga magsasaka ngunit napakaliit ng nakuhang koleksyon ng ahensya mula dito.
Ayon sa DA, inaprubahan at inilabas ang naturang loan noong nakaraang administrasyon ngunit itinigil din umano ng ACEF ang palalabas ng pera mula sa loan program noong 2010 dahil nga sa mababang koleksyon.
Sa ngayon ay gumagawa na ang DA ng paraan upang maremedyuhan ang problemang ito.
Sinaabi pa ni Alcala na may kasalukuyang liquidation na ginagawa ang DA at kinukumpleto na rin nito ng documentation ng paggamit ng pondo para maisapubliko.
Inatasan na rin niya ang iba pang attached bureaus at field offices ng DA upang sagutin ang COA report.
Para kay Alcala, isa na naman itong paninira sa Department of Agriculture.
Samantala, sumagot naman ang Palasyo ukol sa COA report at sinabi nito na naayon sa batas ang paggamit ng DA at DAR sa pondo.
Pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., “All government agencies are accountable to the people for the proper use of public funds, the Department of Agriculture, and the Department of the Agrarian Reform have declared that contrary to published reports all efforts are being exerted to ensure that such funds were utilized in accordance to existing laws and rules and regulations.” (DARLENE BASINGAN / UNTV News)