Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Daan-daang mangingisda sa Masinloc, Zambales, hindi na pumapalaot sa Scarborough Shoal

$
0
0

Mga bangkang pangisdang naka-daong sa pampang ng isang baybayin sa Masinloc, Zambales (UNTV News)

ZAMBALES, Philippines — Mahigit labing pitong taon ng mangingisda si Mang Jeffrey Ilad na nakatira sa isang isla sa bayan ng Masinloc.

Kabilang siya sa mahigit isang libong mangingisda na pumapalaot sa Scarborough Shoal noong hindi pa mainit ang tensyon na umiiral sa pinag-aagawang isla.

Pahayag ng mangingisdang si Mang Jeffrey, “Nung lagi kaming nangangalborough, sa isang biyahe ko pinakamababa ko na yung 250,000.”

Ngunit nang magsimula ang pamamalagi ng mga taga-China sa naturang isla noong 2010, dito na nagsimula ang naranasan nilang ang pangha-harass mula sa mga dayuhan.

Dagdag pa ni Ilad, “Dati nag-matigas kami, hindi kami umalis kasi ang inaano lang sa amin sprayan kami ng tubig, ganyan. Balewala pa sa amin yun pero nung baril na talaga tinutok sa amin noon, kanya-kanya na kaming lusot.”

Pangingisda ang nakalakihang ikinabubuhay ng karamihan ng mga residente sa Masinloc, Zambales pero dahil sa napaulat na umano’y pangha-harass ng mga Chinese malapit sa pinag-aagawang isla, nangangamba na silang pumalaot sa lugar at sa halip ay sa malapit na lang nangingisda, ngunit problema nila ngayon ang kakaunting huli na hindi sapat sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.”

Pahayag naman ni Masinloc Mayor Desiree S. Edora, “Actually, as of now, nakakausap namin yung mga fishermen hindi na po sila pumupunta kasi nga dina-drag na raw sila. Before nung hindi pa nagkaroon ng standoff, free talaga sila — almost 1 ton to 3 tons per week ang huli nila.”

Bukod sa kanila ay may mga taga-Vietnam rin umanong nangingisda sa lugar na nagiging kaibigan pa nila.

Ayon kay Mang Jeffrey, nasa 300 pesos lamang ang kinikita kapag sa malapit lamang sila pumapalaot.

Panawagan ng mga mangingisda sa pamahalaan, sana ay resolbahin na ang issue hinggil sa pinag-aagawang mga isla, upang makabalik na sila sa dating pamumuhay. (JOSHUA ANTONIO / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481