Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagsusuot ng police uniform, papatawan ng 10 taong pagkakakulong

$
0
0

IMAGE_UNTV-News_APRIL262013_PNP

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ni Cebu Representative Raul Del Mar ang House Bill No. 368 na nag-aamyenda sa Republic Act No.493 na nagreregulate sa paggamit at paggawa ng uniporme ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa ilalim ng Republic Act No.493, regulated ang paggawa at pagbebenta ng decoration, medals, badges, patches at identification cards ng militar at pulis.

Ayon sa mambabatas, kadalasang ginagamit sa mga krimen ang uniporme ng pulis at militar kaya naman nararapat lamang na ito ay mahigpit na ipagbawal.

“Unauthorized persons have taken advantage of the proliferation of imitations of uniforms bearing close resemblance to the official military and police uniforms to falsely represent themselves as members of the AFP or the PNP,” ani Del Mar.

Nakapaloob sa naturang panukalang batas ang pagpapataw ng 10-taong pagkakakulong at multang 20-libong piso sa mga iligal na magsusuot ng mga naturang uniporme.

Nahaharap naman sa 5-taong pagkakakulong at multang 10-libong piso ang mga iligal na magbebenta ng tela nito.

Nilinaw naman ng mambabatas na hindi kasama sa mga papatawan ng parusa ang mga sibilyan na makikitang magsusuot nito.

Ayon kay Del Mar, nakasaad sa Article 177 ng Revised Penal Code na ang mga magsusuot at magpapakilalang alagad ng batas lamang ang papatawan ng parusa. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481