ESTADOS UNIDOS – Ilang embahada ng Amerika sa Middle East at North Africa ang pansamantalang isinara dahil sa bantang pag-atake ng teroristang grupong Al-Qaeda.
Kabilang sa mga isinarang embahada at konsulado ay sa Jordan, Afghanistan, Bangladesh, Egypt, Israel, Saudi Arabia, Libya, Iraq at Kuwait.
Ang mga nabanggit na bansa ay kasama sa global terror threat na inilabas ng Interpol.
Ayon sa ulat, ngayong linggo isasagawa ang pag-atake ng teroristang grupo.
Samantala, tiniyak naman ng Malacañang na nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa bantang pag-atake ng Al Qaeda.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakikipag-ugnayan na sila sa National Security Agency para mabigyang seguridad ang embahada ng Amerika dito sa Pilipinas.
Wala pa namang namomonitor ang AFP na anumang banta ng terorista sa bansa. (UNTV News)