MANILA, Philippines – May aasahang dalawang long weekend ang publiko ngayong Agosto ayon sa Malacañang,
Una rito ay sa Agosto 9 (Biyernes) hanggang 11 (Linggo) na idineklarang regular holiday bilang pakikiisa sa Ed’l Fit’r.
Ang ikalawang long weekend naman ay mula Agosto 24 (Sabado) hanggang 26 (Lunes) dahil sa National Heroes Day na isa ding regular holiday.
Wala namang pasok ang mga taga-Quezon City sa Agosto 19 (Lunes) na idineklarang special non-working holiday dahil sa Quezon City Day ayon sa Republic Act 6741.
Samantala, special non-working holiday din sa buong bansa sa Agosto 21, araw ng Miyerkules matapos itong ideklara na Ninoy Aquino Day. (UNTV News)