Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pres. Aquino, nagpasalamat sa mga tumulong upang maiurong ang execution kay Mary Jane Veloso

$
0
0

Si Pangulong Benigno Aquino III kasama ang pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo noong Lunes, April 27, 2015 sa ASEAN Summit sa Malaysia. (Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — “The execution of Mary Jane Veloso has been postponed due to the request of the Philippine President Benigno Aquino III in relation into an alleged human trafficker who recently gave herself up in the Philippines — that is the official line of the spokesperson of the Attorney’s Generals Office.”

Binasa ni Cabinet Secretary Rene Almendras ang ipinadalang mensahe ng opisina ng Indonesian Attorney’s General’s Office sa Malakanyang kaugnay ng postponement ng execution kay Veloso.

Ayon sa kalihim, hindi dapat maging usapin dito kung sino ang may credit ngunit hindi naman makatuwiran na sabihin ng mga kritiko na walang ginawa si Pangulong Aquino upang isalba ang buhay ni Mary Jane.

Ayon sa Malakanyang ang mahalaga sa kasalukuyan ay ginagawa na ngayon ni DOJ Secretary Leila de Lima ang lahat ng mga kinakailangang legal action.

Nakatakda magtungo ang Justice secretary sa Indonesia upang asikasuhin ang kaso ni Veloso na pinaniniwalaang naging biktima ng human trafficking.

“DOJ and Attorney General of Indonesia will be working together to get to, to go as high as we can as far as the prosecution is concern on the particular operation of a syndicate to try to move drugs from one country to another,” pahabol ni Sec. Almendras.

Nagpasalamat naman ang Malakanyang sa lahat ng mga tumulong upang maipagpaliban ang execution kay Veloso. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481