CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Nakahandang magbigay ng P2 milyong pabuya ang lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro sa sinomang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa nangyaring pagpapasabog sa Limketkai Complex noong Hulyo 26.
Ibig iparating ni Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno na seryoso ang pamahalaan na madakip ang salarin sa pambobomba sa lalong madaling panahon.
Magugunitang naglabas na ng artist sketch ng suspek ang mga awtoridad.
Samantala, tatlong kumpanya na ang iniulat na nagkansela ng flight patungong Cagayan De Oro dahil sa nangyaring pagpapasabog.
Dahil dito, nababahala ang pamahalaang lungsod ng CDO na posibleng madagdagan pa ang makakanselang biyahe ng eroplano kung hindi kaagad mareresolba ang kaso. (Anne Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)