BATANGAS, Philippines — Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority noong December 2014, kabilang ang Talisay, Batangas sa mga third class municipality sa bansa.
Kaya marami sa mga kababayan natin dito ay mahirap ang buhay at nangangailangan ng tulong lalo na sa aspetong medical.
Isa na rito si Aling Teresa Martines, na problemado sa pagpapagamot ng apat niyang anak na may ubo at sipon dahil sa sobrang init ng panahon.
Bukod sa walang permanenteng trabaho ang kaniyang asawa, kumikita lamang ito ng 180 pesos sa pag-extra sa mga construction.
Kaya naman laking pasasalamat nila na isa ang kanilang barangay sa napiling pagdausan ng medical mission ng UNTV kasama ang pangunahing katuwang sa lahat ng public services advocacies ng istasyon, ang Members of God International na pinangungunahan ni Bro. Eli Soriano.
Pahayag ng residenteng si Teresa Martines, “Nagpapasalamat kami kasi gawa nang malalaman naming kung ano ang mga sakit ng mga bata.”
Hindi lamang naipa-check up ni Aling Teresa ang mga anak kundi nabigyan rin sila ng sapat na gamot.
Isa lamang si Aling Teresa sa halos isang libong reisdente sa Barangay Balas, Talisay, Batangas na nabigyan ng serbisyo medikal ng UNTV at MCGI meron ding libreng bunot ng ngipin at check up, libreng salamin sa mata, libreng gupit. pinilahan rin ng mga kabataan ang libreng tuli.
Hindi naman inaasahan ng mga taga-Talisay ang serbisyong handog ng medical mission dahil para sa kanila ito na ang maituturing nilang pinakamalaking medical mission na nangyari sa kanilang lugar dahil sa dami ng naibigay na serbisyo at sa dami ng napaglingkuran.
Pahayag naman ni Brgy. Captain Ismael Muhhamad, “Ngayon pa lang po nangyaari na ganitong kalaki, kahit siguro yung mga mga panahon ngayon din ang pinakamalaking medical mission dito na naganap dito sa aming barangay. Ah, nagpapasalamat kami sa Panginoon pangalawa sa UNTV na sana marami pa kayong matulungan.
Katuwang rin ng UNTV at MCGI ang Batangas Varsitarian Alumni Association (BVAA) sa nasabing medical mission.
Pahayag ni BVAA Chairman Reynaldo Perez, “Sa awa ng Dios, two days lang na-approve yung aming request, ako po ay nagpapasalamat kay Brother Eli at kay CEO President Daniel Razon at sa UNTV at dahil sa napakaganda at napaka-successful na medical mission na hindi ko akaliain na sobrang ganda. Thanks God.”
Umaasa ang mga residente ng Balas, Talisay, Batangas na hindi ito ang huling pagkakataon na magdaraos ng medical mission ang UNTV at MCGI sa kanilang lugar lalo’t marami sa kanila ang hikahos sa buhay. (UNTV News)
UNTV Action Center 16th People’s Day tally
VENUE: Brgy. Balas, Talisay, Batangas
DATE: May 10, 2015
Tally of Rendered Free Services:
-Medical Adult Consultation — 133
-Pediatric Consultation — 72
-Dental Extraction — 65
-Optical Consultation with free reading glasses — 134
-Chest x-ray — 12
-RBS — 14
-Physical Therapy — 2
-ECG — 15
-Legal Consultation — 11
-Massage — 104
-Haircut — 65
-PhilHealth — 31
-Tuli — 26
-Recipients of Medicines — 378
TOTAL – 927
Next Schedule:
Date: May 15, 2015/ Friday
Registration is from 6am-10am
Venue: Brgy. Capri Covered Court, Novaliches, QC
Date: May 29, 2015/ Friday
Registration is from 6am-10am
Venue: Brgy. San Bartolome Covered Court, Novaliches, QC
Dahil naman sa BRIGADA Eskwela, cancelled ang People’s Day sa May 22 na nakatakda sanang ganapin sa Brgy. Maypajo, Caloocan City at sa halip ay gaganapin na po ito sa May 31, 2015, araw ng Linggo.
— TO GOD BE THE GLORY
Photos by: Photoville International / Kenneth Valladolid / Christian Diverson