GENERAL SANTOS CITY, Philippines – Halos isang linggo nang hindi nawawalan ng suplay ng kuryente ang General Santos City.
Malaking ginhawa na ito para sa mga residente kumpara sa pitong oras na brownout kada araw na kanilang naranasan noong mga nakaraang linggo.
Sa eleksyon ngayong araw, tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na sapat ang suplay ng kuryente.
Batay na rin ito sa ibinigay sa kanilang katiyakan ng South Cotabato Electric Cooperative II, Inc. (SOCOTECO II) na siyang electric provider sa GENSAN at sa Sarangani Province.
“Sa SOCOTECO may notice tayo na ibinigay kay Attorney Casquejo na during election day ay di magkakaroon ng brown.out doon sa every polling centers,” pahayag ni Vincent Dumaguit, COMELEC Election Assistant II. (UNTV News)