Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

NCRPO, nakiusap sa media na maghinay-hinay sa pagbabalita tungkol sa Mindanao bombings

$
0
0
FILE PHOTOS: NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo and CDO explosion site (UNTV News)

FILE PHOTOS: NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo and CDO explosion site (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umapela ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa media na huwag i-sensationalize ang nangyaring pambobomba sa Cagayan De Oro City at Cotabato City sa Mindanao kamakailan.

Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, maghahatid lamang ng takot sa publiko at mga turista kung puro karahasan ang napapanood sa telebisyon at nababasa sa mga pahayagan.

Hindi rin aniya makatutulong sa pag-unlad ng bansa ang mga negatibong balita sa Mindanao.

“Kayo mga media wag kayong masyadong mainit kasi pag pinicture niyo to na mainit as I’ve told you, be a part of national development pag-pinicture niyo ‘to wala nang pupunta rito, magkakaroon ng travel advisory… Magulo pala, yun pala kagagawan pala ng media,” ani Garbo.

Kasabay nito ay humingi ng pangunawa sa publiko ang heneral dahil sa pagtatalaga nila ng maraming pulis sa mga lansangan at paghihigpit sa implementasyon ng Oplan Sita at checkpoints sa mga susunod na araw.

“You expect there will be stricter implementation of the different police security measures because of the recent development happening globally at yung sa southern part of the Philippines, but nothing to worry po,” pahayag pa ng heneral.

Sa kabila ng paghihigpit sa seguridad, nilinaw ng NCRPO na wala pa rin silang natatanggap na ulat na may Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) o anumang banta sa seguridad sa kalakhang Maynila. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481