Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Philippine Standard Time, ipatutupad na sa Setyembre

$
0
0
Simula Setyembre ay ipinapatupad na ang Philippine Standard Time (UNTV News)

Simula Setyembre ay ipinapatupad na ang Philippine Standard Time (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ng public consultation ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa implementasyon ng Republic Act 10535 o Philippine Standard Time of 2013.

Magugunitang noong Mayo 15, ganap na itong naging batas matapos lagdaan ni Pangulong Philippine Standard Time of 2013..

Sa ilalim ng naturang batas, inaatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno maging ang mga istasyon ng radio at telebisyon na i-synchronize o isabay ang kanilang mga orasan sa standard time ng PAGASA.

Ayon kay Mario Raymundo, pinuno ng Astronomical Observation and Time Service Unit ng PAGASA, bentahe ang batas partikular sa mga may ka-transaksyon sa negosyo.

“Dun lang sa Philippine Stocks Exchange natin importante na ang oras niyan eksakto. Kasi yan ay time tag transaction, so ang kausap mo ibang bansa, so kung mali ang oras mo pag-time tag transaction mali ang oras mo hindi kayo magkakaintindihan,” ani Raymundo.

Bukod sa mga pribadong establisyimento, maglalagay din ng mga orasan sa mga pampublikong lugar gaya ng plaza at parke.

Mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng Time Service Unit ng PAGASA kung tama ang mga orasan ng mga istasyon ng radyo at telebisyon.

Ang mga istasyon na mahuhuling hindi sumusunod sa batas ay pagmumultahin ng mula P30,000 hanggang P50,000 at posibleng pagkansela ng prankisa sa mga susunod pang paglabag.

Papatawan din ng parusang administratibo ang sinomang opisyal o empleyado ng pamahalaan na hindi susunod sa Philippine Standard Time.

“Ang NTC ang magde-determine kung talagang hindi sumusunod yung non compliance na sinasabi at sila pang kakastigo.”

Pagkatapos na maisagawa ang public consultation sa Visayas at Mindanao ngayong Agosto ay posibleng ipatupad na ang batas sa susunod na buwan. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481