TOKYO, Japan — Tuwing panahon ng tag-init, pangunahin sa pinaka-aabangan sa buong Japan ang “Hanabi” o fireworks display na karaniwang ginaganap sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto.
Iba’t ibang kulay, laki at disenyo ng fireworks ang makikita sa kalangitan sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Naging tradisyon na nga raw sa Japan na ipagdiwang ang Hanabi Festival tuwing summer.
Sinasabing ang Hanabi sa Japan ay isa sa pinakamagandang fireworks display sa buong mundo kaya naman dinarayo ito ng libu-libong lokal at dayuhang turista.
Bukod sa fireworks display, dagdag-atraksyon din ang makukulay na yukata o casual traditional kimono na suot ng maraming Japanese at ang iba’t ibang traditional food.
Para sa mga nagnanais manoong ng pamosong Hanabi festival, narito ang listahan ng ilang fireworks shows sa Japan:
**** Koto Fireworks Festival, August 1 at Arakawa-Sunamachi-Mizube Park
**** Kanagawa Shinbun Fireworks Festival, August 1 at Rinkou Park, Minato Mirai, Yokohama
**** Edogawa-ku Fireworks Festival, August 3 at Edogawa Riverside
**** Ichikawa City Nohryo Fireworks Festival, August 3 at Edogawa
**** Itabashi Fireworks Festival, August 3 at Arakawa Riverside
**** Koga Fireworks Festival, August 3 at Koga City, Ibaraki
**** Tokyo Bay Grand Fireworks Festival, August 10 at Harumi Pier
**** Utsunomiya Fireworks Festival, August 10 at Utsunomiya, Tochigi
**** Kumagaya Fireworks Tournament, August 10 at Kumagaya City, Saitama
**** Kawasaki City Fireworks Festival, August 17 at Tamagawa Riverside
**** Chofu City Fireworks Festival, August 24 at Tamagawa Riverside
(Danilo Ticzon Jr. / Ruth Navales, UNTV News)