MANILA, Philippines – Tinanggap na ni Pangulong Benigno Aquino III ang courtesy resignation ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim.
Sa kaniyang pahayag sa Davao City, sinabi ng pangulo na bibigyan niya si Lim ng panibagong posisyon sa pamahalaan.
“I will be giving him a new assignment. We’re still in the process of discussing where exactly the new assignment will be,” anang Pangulo.
Matatandaang nagsumite ng kanyang resignation letter si Lim matapos banggitin ng Pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address na hindi ito nasisiyahan sa performance ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nakalipas na taon.
“I spend most of the time getting brief anu on the as customs is concern the problems he encountered parang magkaroon ng substance yung suspicions ko, so afterwards anu he will be giving new tasking out of customs,” pahayag ng pangulo sa kaniyang SONA.
Samantala, hindi naman tinanggap ni Pangulong Aquino ang courtesy resignation ni Deputy Commissioner Juan Lorenzo Tanada kaya mananatili ito sa kanyang pwesto.
“Commissioner Biazon is battling to retain Deputy Commissioner Tañada,” pahayag pa ni Pangulong Aquino.
Muli namang tiniyak ng pangulo ng na sa lalong madaling panahon ay makikita na ng taumbayan ang gagawing transpormasyon ng pamahalaan sa Bureau of Customs. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)