Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Routine ng mga nagpapatrolyang pulis, mahigpit na babantayan ng NCRPO

$
0
0
FILE PHOTO: Policemen under Highway Patrol Group (UNTV News)

FILE PHOTO: Policemen under Highway Patrol Group (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naglabas ng direktiba ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa tamang pagpapatrolya ng mga pulis.

Ayon kay NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo, dapat na detalyado at planado ang bawat kilos ng mga pulis at hindi mistulang namamasyal at nagsasayang lamang ng gasolina.

Sinabi din ng heneral na dapat na may security plan kung saan nakalagay ang lugar, oras at kung sinu-sino ang mga pulis na magpapatrolya.

“I demanded a weekly meeting for this issue… and I demand that all my district directors also do the same for other areas of concern.”

Sinabi pa ni Garbo na may regional at district inspectors na rin na susubaybay sa security plan ng mga chief of police at sa pagpapatrolyang ginagawa ng mga ito.

“Sinabi mo na mayroong sampung pulis na magbi-beat patrol, mobile patrol, checkpoint, oplan sita or whatever sa lugar na to, pupuntahan natin yun at aalamin natin kung tama,’ pahayag pa ni Garbo.

Nagbabala rin ito sa mga pulis na hindi nagta-trabaho ng tama.

Iginiit ng heneral na kailangang isaisip ng bawat pulis ang serbisyong makatotohanan at tunay na kahulugan ng tamang trabaho ng pulis. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481