CAVITE, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang Rosario, Cavite dahil sa oil spill.
Ayon kay Mayor Jose Ricafrente, idineklara ito kaninang umaga matapos maapektuhan ng tumagas na langis ang siyam na barangay sa lugar.
Aniya, paraan ito upang mapigilan ang mga mapagsamantalang negosyante na magtaas ng presyo ng mga pangunahin bilihin.
Sa kasalukuyan ay nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga residente na sa dagat kumukuha ng kabuhayan.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente at kung ano ang pinagsimulan nito.(UNTV News)