Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PNoy, bilib sa performance ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia championship

$
0
0
Ang Philippine Team para sa FIBA Asia na binansagang Gilas Pilipinas. (CREDITS: Coach Chot Reyes Twitter Account)

Ang Philippine team para sa FIBA Asia na binansagang Gilas Pilipinas. (CREDITS: Coach Chot Reyes Twitter account)

MANILA, Philippines — Bagama’t hindi nasungkit ang kampeonato, hinangaan pa rin ni Pangulong Benigno Aquino III ang ipinakitang performance ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia championship sa Mall of Asia Arena, Linggo ng gabi.

Sinabi ng pangulo na hindi nagpakita ng kahinaan ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas kahit na umabot sa 16 ang lamang ng Iran sa fourth quarter hanggang sa natapos ang laro sa score na 85-71.

“It was a really encouraging, at least on my part, to view our countrymen not giving in to a sense of, perhaps, defeat by just accepting the fact that, ‘you know, these guys are above seven feet tall and they are really kind of difficult to beat’,” anang pangulo.

Samantala, pinagtawanan lamang ng pangulo ang mga pumuna sa kanyang panonood kagabi ng FIBA Asia championship.

Biro nito, malamang raw ay siya pa ang masisi sa pagkatalo ating ng koponan.

“Last night, when I was encouraged to attend the basketball game, either chief booster and lucky charmer (are among my unofficial titles); and since we didn’t win, perhaps now I am being blamed for our loss last night, ”

Bagama’t muling nabigo ang Pilipinas na makuha ang FIBA Asia championship, pasok pa rin ang Gilas sa 2014 FIBA World Cup na gaganapin sa Madrid, Spain. (Ryan Ramos / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481