MANILA, Philippines – Tiniyak Malacañang na nakahanda ang mga ahensya ng pamahalaan na umalalay sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Kabilang dito ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa na rin ang relief goods na ipamamahagi sa mga masasalanta ng Bagyong Labuyo.
Bukod sa mga ahensya ng pamahalaan, inatasan na rin ng palasyo ang mga Local Government Unit (LGU) na maging alerto at handa upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. (UNTV News)