MANILA, Philippines — Umabot sa 8,000 pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Labuyo.
Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commander Armand Balilo na pinakamaraming na-stranded na pasahero sa Bicol Region na umabot sa mahigit 3,000.
Sa ngayon ay nasa mahigit isanlibo na lamang ang stranded na pasahero.
“1,088 pa yung stranded for the mean time. So from 8,000 meoron na lang 1,123 di alis dun sa ports na meron prohibition sa paglalayag,” ani Balilo.
Sa ilalim ng panuntunan ng PCG, hindi na pinapayagang bumiyahe ang mga sasakyang pandagat habang may nakataas na babala ng bagyo.
Papayagan lamang na muling makabiyahe ang mga sasakyang pandagat kapag wala na ang storm signal sa buong bansa. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)