Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Sen. Estrada, hinimok ang MECO na palakasin ang bilateral relations sa Taiwan counterpart

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Jinggoy Estrada (UNTV News)

FILE PHOTO: Senator Jinggoy Estrada (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Jinggoy Estrada ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) na palakasin ang bilateral relations sa counterpart nito sa Taiwan.

Ito ay upang maging madali ang pagresolba sa anumang problema na makakaapekto sa mga nagtatrabahong Filipino workers sa Taiwan.

Isa sa ginawang halimbawa ni Senator Estrada ang sanction na ipinataw ng taiwan sa Pilipinas dahil sa pagkasawi ng isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel noong Mayo 9, 2013.

“We must find ways to more effectively and efficiently manage pressing concerns between Taiwan and the Philippines and prevent or at least mitigate adverse effects on our workers and other areas of relations. For this purpose, it could be a good move if the MECO comes up with its counterpart Taipei Economic and Cultural Office (TECO) a bilateral mechanisms set-up which should be readily operational if and when any other such concern arises in the future,” anang senador. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481