Patok sa Japan ang kakaibang uri ng bicycle storage system kung saan ginagamit ang espasyo ng underground.
Dahil sikat na uri ng transportasyon ang bisikleta sa Japan, naisipan ng kumpanyang ‘Giken’ na gumawa ng automated underground storage system kung saan maaaring iparada ang mga bisikleta sa ilalim ng lupa.
Ang system na ito na tinatawag na “Eco Cycle” ay maaaring makapag-store ng 204 na bisikleta.
Maaaring maretrieve ang gamit sa pamamagitan ng ic tag na ikinakabit sa unahan ng bisikleta, at nare-retrieve agad ang mga ito sa loob lamang ng 13 segundo. (UNTV News)