MANILA, Philippines – Inaasahang babawi ang AFP team sa pagkatalo sa PNP sa pakikipagsagupa sa team Judiciary sa pagpapatuloy ng aksyon sa UNTV Cup sa Pasig Sports Complex sa Linggo.
Natalo ang AFP sa PNP sa score na 69-72 kaya matindi ang ginagawa nila ngayong pag-eensayo.
“Coming from a heart breaking loss from PNP siguro naramdaman ng AFP na kailangan talaga naming magpa-kondisyon hanggang Saturday. Magprapractice kami para ma-achieve namin ang gustong makamit ng AFP na makapaglaro kami ng finals,” pahayag ni A1C Ronaldo Cahanding, Asst. Coach ng Team AFP.
Ang kapana-panabik na laro ng PNP vs Philhealth, Congress-LGU vs MMDA at Judiciary vs AFP ay mapapanood sa UNTV, alas-2 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi sa darating na Linggo, August 18, 2013. (Ryan Ramos / Ruth Navales, UNTV News)