MANILA, Philippines — Tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang mga adoptee o ampon na matunton ang pinagmulan nilang pamilya.
Kasabay ito ng idinaraos na 12th Global Consultation on Child Welfare Services sa bansa kung saan tinatalakay ang ilang mga bagay na may kinalaman sa adoption.
Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, mahalagang matukoy ang pinagmulan ng mga batang ampon para na rin sa kanilang kapakanan.
“Sa adoption, napakaliwanag napaka-strikto kung iisipin pero ang pinakamahalaga ito nga ang pinag-uusapan ano ang proseso para makakonekta ka sa kasaysayan.”
Katulong ang Inter-Country Adoption Board (ICAB), sisikapin na mapabilis ang koneksyon ng mga adoptee na nasa ibang bansa sa mga bansang kanilang pinanggalingan.
“We are willing to be a center to collect information to all these foundling children,” pahayag ni Bernadette Abejo ng ICAB.
Ayon sa ICAB, ang Pilipinas ang best performing country pagdating sa mga sistema at pamamaraan na may kinalaman sa pag-aampon. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)