MANILA, Philippines – Kinumpirma na ng Malacañang ang panibagong ulat na umano’y pagdedeklara ng pagsasarili o independence ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari.
May kaugnayan umano ito sa usapang pangkapayaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na maaring matapos na ngayong buwan.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may mga MNLF commander na nagpahayag ng suporta sa Bangsamoro framework agreement.
“A number of MNLF commanders have already spoken in favor of the Bangsamoro Framework Agreement.”
Nanawagan din ang palasyo sa Bangsamoro community partikular na kay Misuari na ipakita ang buong suporta sa peace process para sa interes ng buong rehiyon.
“Possibility of investments to Muslim Mindanao certainly the people in Mindanao would know better where to look at what to favor and that is the same thing what we ask from Nur Misuari not to look at his personal interest,’ pahayag pa ni Lacierda.
Inaasahang ngayong buwan ay ipagpapatuloy ang usapang pangkapayaan ng MILF at pamahalaan sa Malaysia.
Target ng pamahalaan na matapos na ang pag-uusap tungkol sa power sharing at normalization annexes ng mga natitirang isyu sa Bangsamoro framework agreement. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)