Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang Patriots, muling susubukang makuha ang kampeonato sa UNTV Cup Season 4

$
0
0
Malacañang Patriots at Season 4 Opening Ceremony (Webter Moldez / Photoville International)

Malacañang Patriots at Season 4 Opening Ceremony (Webster Moldez / Photoville International)

PASIG CITY, Philippines — Sa nakaraang season 3, isa sa may pinakamagandang record ang Malacañang Patriots na dalawang beses lang natalo sa siyam nilang laban bago pumasok sa finals.

Noong nakaraang season, tinalo ng Patriots sa knock out game sa semi-final round ang season 2 defending champion AFP Cavaliers para sa battle for championship slot.

Bagama’t di nila nakuha ang kampeonato noong season 3 matapos matalo ng Judiciary Magis sa best of three series, mataas ang moral ng Malacañang basketball team na makukuha nila ngayong season ang championship title.

Ani playing assistant coach Jenkins Mesina, “Ita-try namin na malampasan ang na-reach namin last season, siyempre lahat naman ng teams dito goal na mag-champion. So, hopefully yung experience na nakuha namin from last season will help us reach our goal.”

Kumpiyansa rin ang Malacañang Patriots na malalampasan nila ang kanilang performance nuong nakaraang season.

“Hopefully, yung samahan namin, yung desire namin na manalo, makuha yung goal namin will help us perform well this season,” dagdag ni Mesina.

Mas lumakas pa ang line up ng Patriots sa kanilang bagong recruit na si dating PBA player Poch Junio.

Mangunguna pa rin sa Malacañang si TESDA Director General Secretary Joel Villanueva.

Kasama rin sa kanilang line up ngayon season 4 ang pamangkin ni Pangulong Benigno Aquino III na si Miguel Abellada na anak ng kaniyang kapatid na si Pinky Aquino Abellada.

Nagpapasalamat ang buong koponan na patuloy silang kasama sa liga ng mga public servants.

Ani Coach Jenkins, “Thank you ulit sa pag-welcome sa amin dito sa UNTV Cup, I hope the fans will continue to support Malacañan Patriots and of course, UNTV Cup.”

Ang unang laban nila ngayong Season 4 katapat ang GSIS Furies ay mapapanood sa Linggo, Setyembre 20, 2015.

Game 1 (2:00PM) – AFP Cavaliers vs. MMDA Black Wolves
Game 2 (3:30PM) – Senate Defenders vs. DOJ Justice Boosters
Game 3 (5:30PM) – GSIS Furies vs. Malacañang Patriots

UNTV Cup – Ito ang bagong game ko. Ang Liga ng Public Servants. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post Malacañang Patriots, muling susubukang makuha ang kampeonato sa UNTV Cup Season 4 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481